登入選單
返回Google圖書搜尋
To Tame A Guy
註釋

Isang dog lover, magkakagusto sa isang dog hater?

 Ganoon eksakto ang nangyari sa dog trainer na si Leia nang makilala si Argon, ang masungit na lalaking halos isumpa ang asong ite-train niya.

 "Hindi ko naman sinabing in love na ako. Medyo tumitibok-tibok lang ito." Ltinuro ni Leia ang gawi ng dibdib. "Dug-dog, dug-dog, dug-dog."

 "Eh, may pag-asa ba naman?" tanong ngpinsan ni Leia.

 "Parang... malabo." Ang hirap kasing sungkitin ng puso ni Argon. Hawak pa rin kasi iyon ng babaeng muntik na nitong pakasalan pero hindi natuloy dahil sa pakikialam ng lola ng lalaki. "Pero libre naman ang mangarap, right? Lsa pa, hindi naman pakakasalan ang hanap ko. Pampakulay lang ng mundo. "

 Ngunit higit pa roon ang nakuha ni Leia. Isang araw, biglang nagpakita ng interes sa kanya si Argon. Pareho na ba sila ng nararamdaman?

 Akala lang pala niya. Bigla kasing bumalik sa buhay ni Argon ang babaeng mahal nito, and it seemed like they were back in each other's arms.

 Makaka-move on talaga ako. Mabilis pa sa alas-kuwatro. Just watch

 me!

 Pero kinain lang ni Leia ang kanyang sinabi...