May mga pangyayaring dumarating sa buhay
natin na `di natin inaasahan. Minsan, magandang balita
ang dala nito. Minsan, parang parusa. Mabigat sa dibdib,
nakakapanlumo, nakakalungkot, matinding pagsubok
sa ating magpakatatag.
Pero sa mga pagkakataon ding iyon ay nakikilala
natin kung sino at ano tayo para sa ibang tao.
Matatagpuan ba natin ang ating sarili na nag-iisa sa
pakikibaka? O daragsa ang tulong, ang malasakit,
ang pagmamahal, ang pag-asa?
In this collection of short stories from your beloved PHR authors comes a message of inspiration, of love, of hope. Pinagsama-sama para sa iisang layunin: na
nagkakaisa ang lahat para sa isang kaliga, kaibigan,
kapatid. Para kay Angel Bautista.
Read our stories and see the light beyond the
darkness, the good despite the bad. A world that
may be in despair but can still be beautiful as seen
THROUGH ROSE-COLORED GLASSES.
- Georgette Gonzales